Latest News

Mula sa Puso ng Isang Caretaker

Mula sa Puso ng Isang Caretaker

BACOOR-“Ate, ito po yung nakolekta naming pera mula sa mga kapit-bahay namin. Kayo na po ang bahalaDSC_1228 dito ngayon.” (Ate, this is the money we collected from our neigbours. You can take charge of this now.)

Hindi pa rin talaga huli ang lahat para makatulong tayo sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo at lindol sa bahagi ng Central Visayas. Nagulat ako nang iabot saakin ni Ate May ang perang  nakabalot sa isang bond paper na siya ring sinulatan nila at ginamit sa pagkalap ng donasyon. Nakasaad dito,

                “Sa biyaya ng Panginoon, kami po ay taos pusong nakikiisa sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte. Hangad po naming sa kaunti naming donasyon ay mapawi at makatulong sa kanilang mga pangangailangan…In Jesus’ name, Amen.”

(“By the grace of God, we join in sincere solidarity with the victims of typhoon Yolanda in Leyte. We desire that through our little donation, may we ease and help dissipate their needs … In Jesus’ name, Amen. “)

Kung tutuusin, si Ate May at ang kanyang asawa ay mga caretaker ng isang simbahan ngunit hindi ito naging hadlang upang mag-abot sila ng tulong sa mga kapwa Pilipino kalakip ang panalangin na mapabuti ang kanilang kalagayan. She was able to raise up 504 pesos from her neigbors and was able to receive some noodles, detergent soaps, and canned goods for donation. Ini-abot niya ito sa kanilang local church na gumagawa din ng relief efforts para sa mga taong nasalanta ng bagyo.

Joy Ferdiz

November 22nd, 2013

No comments